Isang linggong nagwawala ang hanging habagat. Nagpupumiglas ang malakas na hangin at naglalakihang mga alon ang mararanasan. Pag ganito ang panahon nagiging kaawa awa ang mga taong nakatira sa isang isla na hindi kalakihan ang lugar at wala masyadong malaking tindahan na pwede makasuporta sa mga pangangailangan ng mga tao.
This is what had happened just this week. Miyerkules pa lang di na pinahihintulutan ng coastguard ang mga sasakyang pandagat na tatawid ng dagat kasi nga malalaki ang mga alon at di kakayanin ng mga maliit na bangka ang alon. Biyernes wala ng tindang bigas sa lugar kung saan ako nakatira. wala ring tindang bigas sa kalapit na barangay. ang iba ay nangungutang nalang sa kapitbahay o kaya sa kanilang kamag anak na medyo may kaya. pero di parin sapat ang inutang na bigas para pantustos sa gutom. Swerte sa may tanim na mga gulay, camote, cassava at iba pang root crops na pwedeng panghalili sa bigas. pero di lahat ay pwedeng kumain ng puro root crops lalo na ang mga bata. ang ginawa ng kasamahan ko ay yung konting natirang bigas ay nilulugaw nalang para makatipid..kumain kami ng lugaw tuwing umaga. root crops naman kapag tanghalian na may halong konting bigas. tuwing hapunan naman, pinagkakasyahan namin ang konting kanin.may naki-utang sa akin ng bigas. wala po akong naibigay dahil ako mismo ay naubusan ng bigas. yung natirang bigas ko ay sini-share ko naman sa isang pamilya na malapit sa akin. inisip ko naman yung iba, paano kaya nila nalalampasan ang kahirapan?
buti nalang humupa ang hanging habagat. Sunday. kahit maalon pa. nagsusumikap ang iba na makatawid ng dagat para lamang makabili ng bigas sa lungsod.
ito po ang totoong pangyayari na mararanasan mo once you will live in an islet. medyo mahirap pero kailangan patibayin ang sikmura at loob para maka-survive.
It speaks about the personal experiences of the author, her journey, travels and being enthusiast in joining giveaways, promos and contests...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Dahilayan Forest Park Resort
Dahilayan Forest Park Resort is a popular destination in the Philippines, known for its natural beauty and adventure activities. Dahilayan F...

-
I did not plan to visit Butuan City. My friend, Venessa, asked me if I wanted to come along with her, well, her main reason was, to renew h...
-
It is my first time to join in this meme. So, here is my first entry ever. I hope you like it. Green is the prime color of the wo...
-
The month of October is National Children's Month. Its aim is to promote and protect the physical, moral, spiritual, intellectual and ...
No comments:
Post a Comment