Friday, February 20, 2009

Mahalaga Ba Ang Bulate?


I got this passage from Phil-IRI Grade 6. I post it here because it caught my interest.

The passage goes...

Ang bulate ay isa sa sinasabing katulong ng mga magsasaka bagamat ito'y walang mata. Paano kaya ito nangyari? Kapag ang mga bulate ay bumabaon sa lupa, pinaluluwag at pinapataba nila ito. Ang pagiging maluwag at mataba n lupa ay nakatutulong sa magandang ani ng mga magsasaka.

Ang bulate ay may bahagi sa kanilang katawan na tinatawag na bristles. Ginagamit nila sa paggalaw at paglipat sa iba't ibang lugar.
May makapal na bahagi sa bibig ng bulate. Sa pamamagitan ito, nakakukuha ng pagkain ang bulate mula sa lupa. Iniluluwa ng mga bulate ang lupang nahalo sa pagkain nito. Worm casting ang tawag dito na nagpapataba sa lupa.

Ang mga bulate at tinaguriang ga magsasaka. Hinihila nila ang mga butil sa ilalim ng lupa. Maaaring lalaki ang mga ito bilang mga puno o halaman. Hinihila rin nila ang mga patay na dahon, maliliit na buto, damo at iba pang uri ng mga halaman sa kanilang tunnel o burrow. Ang mga ito ay unti-unting nagiging bahagi ng pampataba sa lupa. Ang burrow ng mga bulate ay nagiging daanan ng hangin at tubig sa lupa. Lahat ng mga ito ay nakatutulong sa paglaki ng mga halaman.

Ang mga bulate ay mahalaga sa mga magsasaka kaya't may mga taong nag-aalaga ng mga ito. Pinapadala, ito sa iba't ibang bahagi ng mundo na walang sapat na bulate. Ganito sila kahalaga.

No comments:

Relaxing Music for Your Soul

 Let me share with you compilation of relaxing music for your soul :-)

veta897 Headline Animator

Ads

My Blog List

CopySpace

Protected by Copyscape DMCA Copyright Protection

Total Pageviews

Flag Counter

free counters